TANIKALA NG BUHAY 3
Nang magka-malay si Salve ay nasa isang maliit na silid na siya sa bahay ni Lola Trining. Pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang naging tagpo sa loob ng kanilang tahanan. Ngayong naaalala niya ang mga naganap, hindi maalis sa isip niya na mandiri. Kailangan niyang maiwasan ang pag-aalay sa matandang Apo Malti na iyon aniya sa kanyang sarili.
Nang ilibot niya ang kanyang tingin sa silid ay nakita niya ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng isang lamesita. Katabi nito ay isang mahabang lamesa na puno ng ibat-ibang pabango at pamahid sa mukha at katawan. May malaking salamin din na nakapatong sa ibabaw ng lamesa kung saan nakikita niya ang sariling repleksyon.
Batid ni Salve na maganda siyang babae, bagay na minana niya sa kanyang ina. Maganda din ang hubog ng kanyang katawan, sa edad na magdidisi-otso ay litaw na ang makurba niyang balakang at malulusog na dibdib. Ang kanyang Ina ang nagtuturo sa kanilang magkapatid kung paano nila alagaan ang kanilang sarili.
Iniisip niya kung bakit kinakailangan pa niyang tumuloy sa bahay ni Lola Trining. Mabait ang matanda sa kanila, bagama’t hindi direktang kamag-anak ay tinuring nila ito na tunay lola. Maging ang kanyang mga magulang at kabaryO ay nirerespeto ito bilang pinakamatanda sa kanilang lugar. Wala itong kasama sa bahay ngunit may ilang mga taga baryo na nakakatulong nito sa mga gawain sa loob ng bahay. Ang sabi nila ay may asawa ito at mga anak ngunit wala pa siyang nakikilala sa mga ito buhat ng siya’y magkamalay.
Malaya sila na nakaka-pasok sa loob ng bahay ng matanda. Isa ...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





